365 days ago, this moment, I was asleep, nasa panaginip na never kong naalala kung meron man.
365 days ago, I never realized that death of a closed loved one was experience-able.
I was actually in the dorm, having my preparatory sleep for tomorrow’s shifting exam. More or less three in the morning, someone knocked on our door. Nagising at binuksan, si kuya guard pala; May naghahanap daw sakin sa baba, pero sino?
Took my cellphone, went down and saw kuya joseph. In a glimpse, I knew something happened - naospital ulit si daddy? kelangan ulit niyang maadmit? bat andito si kuya? Hmmm? While walking towards him, he wrapped his arm towards my shoulder saying “James, wala na si daddy mo”. In the absence of speech, we proceeded to his car, nothing to say, so many things to think about: I don’t know.
Back then, I didn’t know. It was really hard, my heart was crushed with guilt and sorrow, helplessness and helplessness and more helplessness. I want to take time embracing him more, loving him more - but the Lord said, this is my plan. I questioned why? but He provided no immediate answer. He just told us “Choose Me”.
Dati akala ko, masamang masaktan; akala ko, kaya tayo nabubuhay - para maging masaya at iwasan masaktan. Hindi pala ganun yun, kelangan pala masaktan, kasi kung di dahil dun hindi ko maiintindihan na gusto ni Lord na lumakas ako. Pain made me understand more about how life should be, it taught me that no matter what, God loves me.
Actually, hindi ko talaga alam kung pano pa gagawin or itutuloy tong blog na to, kung ano ilalagay ko, kung anong flow or order ung ilagay. Alam ko lang na dapat ko tong gawin, kasi gusto kong ishare na kahit pa gano kasakit mga nangyayari, kay Lord lang talaga at sa mga plano nya tayo makakahanap ng peace - syempre kelangan magtiwala. Napakadami pang mangyayari, mga level up na challenges at sakit at syempre saya at kung ano man, Lord, nasayo storya ng buhay ko.
I love you daddy, I’ll strive to be better, to always do good, to be like you. Pray for us always.